National
Mga anak ng pumanaw na OFW sa sinibak sa trabaho sa HK dahil sa sakit niyang cancer, binigyan ng bahay ng Vista Land
Ipinagkaloob ng Villar-led Vista Land and Lifescapes Inc. ang isang bahay at lote sa Palawan sa limang anak ng isang overseas Filipino worker (OFW) na namatay dahil sa cancer noong 2021, ayon sa property developer nitong
By TED CORDERO, GMA News57K reads

Ipinagkaloob ng Villar-led Vista Land and Lifescapes Inc. ang isang bahay at lote sa Palawan sa limang anak ng isang overseas Filipino worker (OFW) na namatay dahil sa cancer noong 2021, ayon sa property developer nitong Martes.
Sa isang pahayag nitong Martes, sinabi ng Vista Land na ipinagkaloob ang bagong bahay sa Camella Palawan sa mga anak ni Baby Jane Teodoro Allas, at personal itong ibinigay ni Villar Group Chairman Manny Villar sa magkakapatid at sa kanilang lola.



