Ang lungkot na unang naramdaman sa pag-aakalang hindi na naman niya makikita ang lahat ng kaniyang anak na magkakasama sa kaniyang kaarawan dahil mga nasa ibang bansa, napalitan ng pagkabigla at labis na kasiyahan.
Sa nakaraang episode ng Good News, ipinakilala ang butihing ina na si Martina Jayme Balmaceda, na walang ibang hiling para sa kaniyang ika-64 kaarawan kundi ipagdiwang ito kasama ang mga anak.