National
Mag-asawang natutulog, pinagsasaksak ng sarili nilang anak sa Zamboanga City
Sugatan ang isang mag-asawang natutulog matapos silang saksakin ng kanilang anak na lalaki sa Zamboanga City.
By GMA News132K reads

Sugatan ang isang mag-asawang natutulog matapos silang saksakin ng kanilang anak na lalaki sa Zamboanga City.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na sinaksak ang mag-asawa ng kanilang 27-anyos na anak gamit ang kutsilyo.
Nagtamo ng saksak sa dibdib ang ama, habang sugatan sa iba't ibang bahagi ng katawan ang ina.



