National
LTO, sinuspinde ang driver's license ng motoristang hindi umano nagbigay-daan sa mga taong tumatawid sa pedestrian lane
Inisyuhan ng Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order (SCO), at sinuspinde ang driver’s license ng isang motoristang nakuhanan ng video na hindi umano nagbigay-daan sa mga taong tumatawid sa pedestrian lane.
By GMA News142K reads

Sa inilabas na pahayag nitong Miyerkoles, sinabing iniutos ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus Lacanilao, na agad umaksyon ang ahensiya sa naturang insidente na nahuli-cam ang isang sports utility vehicle na nagpatuloy sa pag-arangkada kahit may mga tao na tumatawid sa isang pedestrian lane.