National
Lolo na nanghalay umano sa isang batang babae sa loob ng e-trike, arestado; suspek, itinanggi ang paratang
Arestado ang isang 74-anyos na lolo dahil sa panghahalay umano sa isang babaeng limang-taong-gulang sa loob ng isang e-trike sa Muntinlupa. Itinanggi naman ng suspek ang paratang, at sinabing wala siyang kakayahang gawin
By GMA News51K reads

Arestado ang isang 74-anyos na lolo dahil sa panghahalay umano sa isang babaeng limang-taong-gulang sa loob ng isang e-trike sa Muntinlupa. Itinanggi naman ng suspek ang paratang, at sinabing wala siyang kakayahang gawin ang krimen dahil na-stroke na siya.
Sa ulat ni Emil Sumangil sa GMA News Unang Balita nitong Huwebes, sinabing naglalaro lang ang batang si “Krishna,” hindi niya tunay na pangalan, kasama ang lola na nagtitinda ng ulam ‘di kalayuan sa bakanteng lote noong Linggo nang biglang mawala ang bata.



