National
Lola, patay sa taga ng apo dahil 'di niya nabigyan ng pera; suspek, patay din nang saksakin ng kaniyang lolo
Nasawi ang isang 91-anyos na lola matapos siyang tagain ng kaniyang 26-anyos na apo na nagalit nang hindi niya mapahiram ng pera sa Moises Padilla, Negros Occidental. Ang suspek, nasawi rin matapos namang saksakin ng kan
By GMA News42K reads

Nasawi ang isang 91-anyos na lola matapos siyang tagain ng kaniyang 26-anyos na apo na nagalit nang hindi niya mapahiram ng pera sa Moises Padilla, Negros Occidental. Ang suspek, nasawi rin matapos namang saksakin ng kaniyang lolo nang makita ang sinapit ng kaniyang asawa.
Sa ulat ni Eileen Pedreso sa GMA Regional TV Ratsada Balita nitong Biyernes, sinabing nangyari ang trahediya sa pamilya sa bahay ng mga ito sa Barangay Guinpanaan.



