National
Lalaking sakay ng motorsiklo, patay matapos pagbabarilin sa Negros Occidental
Patay ang isang lalaki matapos siyang pagbabarilin ng mga suspek na nakasakay sa isang Multi-Purpose Vehicle (MPV) sa San Enrique Negros Occidental.
By GMA News133K reads

Patay ang isang lalaki matapos siyang pagbabarilin ng mga suspek na nakasakay sa isang Multi-Purpose Vehicle (MPV) sa San Enrique Negros Occidental.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na sinabayan ng mga salarin ang biktima habang bumibiyahe at saka pinagbabaril.
Nahuli kalaunan ang tatlong suspek nang dumaan sila sa isang checkpoint ng mga pulis.



