National
Kuweba sa Bohol, may itinatagong misteryo?; apoy, namamatay kapag itinapat sa bukana nito
Namamangha at nahihiwagahan ang ilang nakakaalam tungkol sa isang kuweba sa Bohol dahil namamatay ang apoy kapag natapat na sa bukana nito. Ano nga bang misteryo ang bumabalot sa lugar? Alamin.
By JAMIL SANTOS,GMA News154K reads

Namamangha at nahihiwagahan ang ilang nakakaalam tungkol sa isang kuweba sa Bohol dahil namamatay ang apoy kapag natapat na sa bukana nito. Ano nga bang misteryo ang bumabalot sa lugar? Alamin.
Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” itinampok ng cave explorer at vlogger na si Menandro “Ideatopia” Cajandab at ng kaniyang mga kasamahan, dahil kakaiba nilang natuklasan sa kuweba.
Para na rin sa kaligtasan ng mga tao, hindi tinukoy ang partikular na kinaroroonan ng kuweba para hindi puntahan habang hindi pa natitiyak na ligtas ito.



