National
Kinakalawang na mga lata, ginawang baunan ng magpipinsang estudyante sa Sultan Kudarat
Kinahabagan ang post ng isang guro tungkol sa litrato ng dalawang lata ng gatas na ginawang baunan ng kaniyang mga estudyante sa Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat. Sa loob, naroon ang kanin na may halong asin, pero hi
By JAMIL SANTOS,GMA News121K reads

Kinahabagan ang post ng isang guro tungkol sa litrato ng dalawang lata ng gatas na ginawang baunan ng kaniyang mga estudyante sa Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat. Sa loob, naroon ang kanin na may halong asin, pero higit siyang nabahala nang makitang kinakalawang na ang loob ng mga lata.
Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” napag-alamang nakatira sa isang kubo sa liblib na sitio ng Senator Ninoy Aquino ang magpipinsang sina Eboy, Richard, Cristine, JR at April, na mga batang nagmamay-ari ng latang baunan.



