Sugatan ang isang babaeng punong-barangay, at dalawa niyang kasama, matapos silang pagbabarilin habang nakasakay sa isang pick-up truck sa Barangay Tumbras sa Kadayangan, Special Geographic Area (SGA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) nitong Lunes ng hapon.
Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao nitong Martes, makikitang tadtad ng tama ng bala ang windshield at magkabilang bintana ng sasakyan na nahulog sa kanal dakong 1:30 pm kahapon.