National
Inflation, pangunahing inaalala ng mga Pinoy, ayon sa Pulse Asia survey
Matapos mapantayan ng inflation nitong Setyembre 2026 ang pinakamataas na antas na naitala sa nakalipas na tatlong taon, 71% ng mga adult Filipino ang nagsabing ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo ang usapin
By JON VIKTOR D. CABUENAS, GMA News194K reads

Matapos mapantayan ng inflation nitong Setyembre 2026 ang pinakamataas na antas na naitala sa nakalipas na tatlong taon, 71% ng mga adult Filipino ang nagsabing ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo ang usapin na dapat na aksyunan kaagad ng pamahalaan, batay sa resulta ng survey ng Pulse Asia na inilabas nitong Huwebes.
Ipinakita ng survey, na isinagawa mula Setyembre 17 hanggang 24, na tumaas sa 71% ang porsiyento ng mga Pilipinong nag-aalala sa inflation, mula sa 57% noong Hulyo. Ito lamang ang usapin na binanggit ng nakararaming respondent na pangunahing alalahanin para sa kanila.



