National
Impeachment court, ibinasura ang kahilingan ni Alan Cayetano na ipagpaliban ang pagtukoy sa voting threshold
Tinanggihan ng Senate impeachment court nitong Miyerkoles ang kahilingan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na ipagpaliban ang pagtukoy sa kinakailangang threshold para sa paghatol sa nagpapatuloy na impeachme
By JAMIL SANTOS,GMA News97K reads

Tinanggihan ng Senate impeachment court nitong Miyerkoles ang kahilingan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na ipagpaliban ang pagtukoy sa kinakailangang threshold para sa paghatol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ito ang naging desisyon matapos bumoto ang 13 senator-judges laban sa hakbang ni Cayetano na ipagpaliban ang nakatakdang botohan sa threshold nitong Setyembre 23.



