National
Illegal recruitment ng mga Pinoy sa Russia, iniimbestigahan -- DMW
Nakikipagtulungan ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan at international authorities upang imbestigahan ang posibleng ilegal na pagkalap sa mga Pilipino sa Russia, sa gitna ng
By MARIEL CELINE SERQUIÑA, GMA News66K reads

Nakikipagtulungan ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan at international authorities upang imbestigahan ang posibleng ilegal na pagkalap sa mga Pilipino sa Russia, sa gitna ng digmaan ng Russia at Ukraine, ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac.
Ayon kay Cacdac sa Kapihan sa Manila Bay Forum nitong Miyerkoles, kabilang sa mga ahensyang na katuwang nila sa imbestigasyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense.



