National
Higit 20,000 litro ng diesel products at mga ebidensiya, nabisto sa 'paihi' modus
Dahil sa “paihi” o ilegal na pagbebenta ng petrolyo, nabisto ang may P7 milyong halaga ng mga ebidensya at 20,000 litro ng diesel products sa Barangay Tugatog, Malabon.
By GMA News68K reads

Dahil sa “paihi” o ilegal na pagbebenta ng petrolyo, nabisto ang may P7 milyong halaga ng mga ebidensya at 20,000 litro ng diesel products sa Barangay Tugatog, Malabon.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Martes, sinabing nadakip ang tatlong suspek na sangkot sa ilegal na gawain sa ikinasang entrapment operation sa lungsod.
Sinabi ng PNP, na gumagamit ang mga suspek ng powered machine na pang-tubig at mga balde sa pagkakarga ng diesel.



