National
Higit 100 pang patay na alagang hayop, natagpuang itinapon sa iba't ibang lugar sa San Jose del Monte, Bulacan
Mahigit 100 pang patay na alagang hayop ang natagpuang itinapon sa iba't ibang lugar sa San Jose del Monte, Bulacan.
By GMA News179K reads

Mahigit 100 pang patay na alagang hayop ang natagpuang itinapon sa iba't ibang lugar sa San Jose del Monte, Bulacan.
Sa ulat ni Bea Pinlac sa GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules, natagpuan ang mga labi ng mga alagang hayop sa iba't ibang estado ng pagkabulok sa iba't ibang bahagi ng lungsod. Ang iba, inuuod na at nilalangaw.
“Most are too degraded and unidentifiable… we’re looking at probably around 120 bags or more,” sabi ni Chris Taylor, ang founder ng Luna and Furry Siblings Animal Welfare Rescue.



