National
Ex-China envoy Jaime Cruz, iniuugnay sa mga kumpanya nina Sara Duterte, Mans Carpio
Si dating special envoy to China Jaime T. Cruz, na nagsilbi sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang siya ring taong nakatala sa corporate records ng mga kumpanyang may kaugnayan kina Vice Pre
By GMA News95K reads

Si dating special envoy to China Jaime T. Cruz, na nagsilbi sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang siya ring taong nakatala sa corporate records ng mga kumpanyang may kaugnayan kina Vice President Sara Duterte at sa asawa nitong si Manases Carpio, ayon sa prosecution panel nitong Martes.
Inihayag ito ng private prosecutor na si Erwin Matib matapos tanungin ni Senator-judge Erwin Tulfo kung si Cruz, na itinalagang special envoy to China para sa trade at investment, ang siya ring taong nakatala bilang incorporator o board member ng mga kumpanyang iniuugnay sa Bise Presidente at kay Carpio.



