National
Driver's license ng jeepney driver na humarang sa pedestrian lane, binawi ng LTO
Pinatawan ng parusa ng Land Transportation Office (LTO) ang jeepney driver na humarang sa pedestrian lane habang may taong dumadaan sa Muntinlupa noong nakaraang Setyembre.
By GMA News97K reads

Pinatawan ng parusa ng Land Transportation Office (LTO) ang jeepney driver na humarang sa pedestrian lane habang may taong dumadaan sa Muntinlupa noong nakaraang Setyembre.
Sa pahayag na inilabas ng LTO, sinabi nito na dalawang taong revocation sa lisensya sa pagmamaneho ang ipinataw na parusa sa naturang driver ng isang pampasaherong jeepney.
Matapos ang isinagawang imbestigasyon ng ahensiya, idineklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle ang nasabing jeepney driver, kaya ito pinatawan ng naturang parusa.



