National
Driver ng van na nanutok umano ng baril sa kapuwa motorista, inisyuhan ng SCO ng LTO
Inihayag ng Land Transportation Office (LTO) na naglabas ito ng Show Cause Order (SCO) laban sa driver ng van na nakuhanan ng video na nagpapakita umano ng mapanganib na pagmamaneho at panunutok ng baril sa ibang motoris
By GMA News62K reads

Inihayag ng Land Transportation Office (LTO) na naglabas ito ng Show Cause Order (SCO) laban sa driver ng van na nakuhanan ng video na nagpapakita umano ng mapanganib na pagmamaneho at panunutok ng baril sa ibang motorista.
Sa inilabas na pahayag ng LTO nitong Linggo, sinabing bukod sa mapanganib na nagmamaneho at panunutok ng baril, hindi rin nakasuot ng seatbelt ang naturang driver habang nagmamaneho.



