National
Driver ng SUV kung saan sumabit at nahulog ang isang lalaki na ikinamatay nito sa Mandaluyong, nahuli na
Nahuli na ang driver ng Sport Utility Vehicle (SUV) kung saan sumabit at nahulog ang isang lalaki na humantong sa kaniyang pagkamatay sa Mandaluyong. Ang biktima, tinangkang pahintuin ang driver na tumangay umano sa ibin
By GMA News64K reads

Nahuli na ang driver ng Sport Utility Vehicle (SUV) kung saan sumabit at nahulog ang isang lalaki na humantong sa kaniyang pagkamatay sa Mandaluyong. Ang biktima, tinangkang pahintuin ang driver na tumangay umano sa ibinibenta niyang cellphone.
“So ito po ay through our continuous follow-up, ‘yung hot pursuit nga natin na walang tigil through our back and forward tracking sa mga CCTVs,” sabi ni Police Colonel Rey Ochavo, Officer in Charge ng Mandaluyong Police Station, sa ulat ni Jamie Santos sa Balitanghali nitong Biyernes.



