National
DOE: Hanggang P8 per liter rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, posible sa susunod na linggo
Inihayag ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad nitong Martes na posibleng magkaroon ng hanggang P8 kada litro na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
By JEAN MANGALUZ, GMA News98K reads

Inihayag ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad nitong Martes na posibleng magkaroon ng hanggang P8 kada litro na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
“In the past three trading days, ang laki po ng binaba; it’s almost $17 'yung binaba ng ating diesel, for example. So if ngayong Monday pa lang, maiestimate natin po iyan, is around P8 per liter 'yung rollback if this will continue until Friday,” ayon kay Abad.



