Nasawi ang dating kinatawan ng United Movement Against Drugs party-list group na si Teodoro Lim matapos siyang saksakin ng isang parking attendant sa parking lot ng isang mall sa Antipolo City. Nag-ugat umano ang krimen dahil sa paghingi ng suspek ng barya sa biktima.
Sa ulat ni Vonne Aquino sa Super Radyo dzBB nitong Linggo, nangyari umano ang insidente noong Nobyembre 17, 2026, dakong 2:00 pm.