National
Dammam airport, inatake; 1 patay, 8 ang sugatan, ayon sa Saudi aviation authority
Isa ang nasawi habang walo ang sugatan sa pag-atake nitong Miyerkules ng gabi na pinuntirya ang King Fahd International Airport sa Dammam, na nasa silangang bahagi ng Saudi Arabia, ayon sa Saudi civil aviation authority.
By GMA News100K reads

Sa isang pahayag, sinabi ng awtoridad na mula sa “minor to serious" ang tinamong mga pinsala ng mga nasugatan.
Sinusuri na rin ang lawak ng pinsala sa mga pasilidad ng paliparan.