National
Christa Pike na nakaligtas sa lethal injection, nagkamalay at nakakapagsalita na, ayon sa mga abogado
Nagkamalay at nakakapagsalita na si Christa Pike, ang bilanggo na nakaligtas sa bitay sa pamamagitan ng lethal injection sa Tennessee, USA noong nakaraang linggo, ayon sa kaniyang mga abogado nitong Martes.
By GMA News144K reads

Nagkamalay at nakakapagsalita na si Christa Pike, ang bilanggo na nakaligtas sa bitay sa pamamagitan ng lethal injection sa Tennessee, USA noong nakaraang linggo, ayon sa kaniyang mga abogado nitong Martes.
Sa kabila ng matinding pinsala sa kaniyang mga braso, nakaposas sa kama si Pike, 50-anyos, na patuloy umanong tumatanggap ng critical medical care, ayon sa pahayag ng kaniyang mga public defense attorney.



