National
Brgy. chairman, nasawi nang ma-suffocate sa loob ng hukay habang nagsasagawa umano treasure hunting
Isang barangay chairman ang, nasawi matapos na ma-suffocate sa loob ng hukay habang nagsasagawa umano ng treasure hunting sa bahagi ng Barangay Dungan sa San Teresita, Cagayan.
By GMA News71K reads

Isang barangay chairman ang, nasawi matapos na ma-suffocate sa loob ng hukay habang nagsasagawa umano ng treasure hunting sa bahagi ng Barangay Dungan sa San Teresita, Cagayan.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Miyerkoles, sinabing wala nang buhay ang biktima nang makuha mula sa hukay.
Nakaligtas naman ang dalawa niyang kasama, kabilang ang kaniyang ama na nakalabas na ng ospital.



