National
Bilang ng mayorya sa Senado, umakyat sa 14 sa paglipat ni Mark Villar
Iniluklok ng Senado nitong Huwebes si Senator Mark Villar bilang miyembro ng Commission on Appointments at bilang chairman ng Senate Committee on Public Works, na hudyat ng kaniyang paglipat mula minorya papunta sa mayor
By JAMIL SANTOS,GMA News48K reads

Iniluklok ng Senado nitong Huwebes si Senator Mark Villar bilang miyembro ng Commission on Appointments at bilang chairman ng Senate Committee on Public Works, na hudyat ng kaniyang paglipat mula minorya papunta sa mayorya.
Iminungkahi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang paghalal kay Villar sa makapangyarihang CA at public works panel. Walang tumutol dito.
Kinumpirma ni Zubiri na "as part of the majority" ang mga posisyon ni Villar.



