National
Batang bibili ng pandesal, natusok ng bakal sa tagiliran matapos mahulog sa kanal
Isang 10-taong-gulang na lalaki na bibili lamang ng pandesal ang natusok ng bakal sa tagiliran matapos siyang mahulog sa kanal sa Santa Rosa, Nueva Ecija.
By GMA News Online81K reads

Isang 10-taong-gulang na lalaki na bibili lamang ng pandesal ang natusok ng bakal sa tagiliran matapos siyang mahulog sa kanal sa Santa Rosa, Nueva Ecija.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nahulog sa kanal sa gilid ng Maharlika Highway ang bata.
Sinamahan ng isang pulis ang bata sa kanal para hindi siya mag-panic habang hinihintay ang rescuers.



