National
Batang babae, tumilapon ng ilang metro matapos mabundol ng humaharurot na motorsiklo sa Isabela
Malubhang nasugatan ang isang batang babae matapos siyang mabundol ng humaharurot na motorsiklo habang tumatawid sa Cauayan City, Isabela. Nangyari ang insidente ilang metro lang ang layo mula sa pedestrian lane.
By GMA News83K reads

Sa video footage na ibinahagi nina Engr. Nelson Donato Jr. at Villamor Visaya Jr, nakasaad na nangyari ang insidente sa national highway sa bahagi ng Barangay Minante Dos bago magtanghali nitong Huwebes.