National
Baril at pocket knife, nakuha sa bag ng isang Grade 3 pupil sa Misamis Oriental
Nabulabog ang mga mag-aaral at mga guro sa isang paaralan sa Opol, Misamis Oriental nang may makitang baril at pocket knife sa bag ng isang Grade 3 pupil.
By GMA News176K reads

Nabulabog ang mga mag-aaral at mga guro sa isang paaralan sa Opol, Misamis Oriental nang may makitang baril at pocket knife sa bag ng isang Grade 3 pupil.
Sa ulat ni James Paolo Yap sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Huwebes, sinabing nangyari ang insidente dakong 1:00 pm nitong Miyerkules sa loob ng paaralan.
Ayon sa tanod sa paaralan na si Marlane Daniel, unang nalaglag ang patalim mula sa bag ng estudyante. Nang suriin ang bag nito, nakita na ang baril na kalibre .22 na may kasamang limang bala.



