National
Bank executive, nakitang patay at may tama ng bala ng baril sa loob ng nakaparadang sasakyan sa Benguet
Patay na nang matagpuan sa loob ng isang nakaparadang sasakyan ang isang lalaki, at may tama ng bala ng baril sa Tuba, Benguet.
By GMA News109K reads

Patay na nang matagpuan sa loob ng isang nakaparadang sasakyan ang isang lalaki, at may tama ng bala ng baril sa Tuba, Benguet.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Huwebes, sinabing nakita ang sasakyan na nakaparada sa gilid ng Kennon road sa boundary ng Camp 3 at Barangay Twin Peaks nitong Martes.
Nakilala ng mga awtoridad ang biktima na 56-anyos, at isang bank executive na residente sa Baguio City.



