Tuloy ang paglalabas ng Show Cause Order (SCO) ng Land Transportation Office (LTO) sa ilalim ng bagong liderato ni Assistant Secretary Noreen Bernadette San Luis. Kasama sa mga unang nasampolan ang isang pickup driver na nasangkot sa road rage incident sa Pasig na nagpakilala pa umanong kawani ng LTO.
Sa inilabas na pahayag ng LTO nitong Huwebes, pinagpapaliwanag ang driver ng isang pickup truck na nasangkot sa viral road rage incident at nakasagutan ang isang motorcycle rider sa Pasig City.