National
Babaeng tumatawid sa pedestrian lane, kritikal matapos masalpok ng motorsiklo sa Pasig
Kritikal ang isang babae matapos siyang masalpok ng motorsiklo habang tumatawid sa pedestrian lane sa Barangay Caniogan, Pasig.
By GMA News98K reads

Kritikal ang isang babae matapos siyang masalpok ng motorsiklo habang tumatawid sa pedestrian lane sa Barangay Caniogan, Pasig.
Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, mapanonood sa CCTV ang pagtawid ng babaeng biktima sa pedestrian lane nang biglang dumating ang isang motorsiklo at nabangga siya.
Dahil dito, tumilapon ang babae pati ang rider.
Dumating kalaunan ang ambulansiya ng barangay at rescue truck para dalhin sa ospital ang biktima at nakabanggang rider.



