National
Babaeng bumbero na rumeresponde sa sunog, tinaga sa likod ng may-ari ng nasusunog na bahay
Sugatan ang isang babaeng bumbero na rumeresponde sa sunog sa Barcelona, Sorsogon matapos siyang pagtatagain sa likod ng lalaking may-ari ng nasusunog na bahay.
By GMA News101K reads

Sugatan ang isang babaeng bumbero na rumeresponde sa sunog sa Barcelona, Sorsogon matapos siyang pagtatagain sa likod ng lalaking may-ari ng nasusunog na bahay.
Sa panayam sa Super Radyo dzBB nitong Martes, sinabi ni Fire Superintendent Anthony Arroyo, Spokesperson ng Bureau of Fire Protections (BFP), na nangyari ang insidente noong madaling araw ng Linggo sa Barangang Bangate.
Ayon kay Arroyo, kabilang ang biktima na si Fire Officer 2 Kris Ann Conda sa mga bumbero na rumesponde sa nangyayaring sunog sa bahay na gawa sa light materials.



