National
Babae, ginamitan ng gayuma na tila Sto Niñong hubad kaya napaibig bigla ng lalaki?
Hindi raw tipo ng lalaki ng babaeng si Pearl ang negosyante na itinago sa pangalang “Rico.” Pero sa hindi niya malamang dahilan, biglang nahulog ang loob niya rito at naging sunod-sunuran sa mga nais ng lalaki. Nagayuma
By GMA News164K reads

Hindi raw tipo ng lalaki ng babaeng si Pearl ang negosyante na itinago sa pangalang “Rico.” Pero sa hindi niya malamang dahilan, biglang nahulog ang loob niya rito at naging sunod-sunuran sa mga nais ng lalaki. Nagayuma nga kaya siya? Alamin ang kuwento.
Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” ibinahagi ni Pearl, isang business consultant, na una niyang nakilala si Rico nang magpadala ito ng mensahe sa kaniya dahil nais daw nitong kunin ang kaniyang serbisyo.



