National
Architect, nag-propose sa kaniyang nobya sa araw ng kanilang oath-taking ceremony
Naging extra special ang oath-taking para sa pagka-arkitekto ng isang couple matapos na lumuhod ang lalaki para mag-propose sa kaniyang nobya sa Philippine International Convention Center sa Pasay.
By GMA News165K reads

Naging extra special ang oath-taking para sa pagka-arkitekto ng isang couple matapos na lumuhod ang lalaki para mag-propose sa kaniyang nobya sa Philippine International Convention Center sa Pasay.
Sa ulat ng GMA News Feed, itinampok ang video ni Architect Eros Sager ng proposal ng kaibigang si Viel Diaz kay Zayin De Leon.
Mapanonood na nagulat si Zayin sa kaniyang nobyo, nang lumuhod ito at nag-propose na.



