National
Anak na nagdiriwang ng kaarawan, naiyak nang sorpresang umuwi ang kaniyang inang OFW
Umantig sa puso ng netizens ang madamdaming birthday celebration ng isang binatilyo sa Calamba, Laguna, na naging instant family reunion na rin dahil sorpresang umuwi ang kaniyang inang overseas Filipino worker, at solo
By GMA News147K reads

Umantig sa puso ng netizens ang madamdaming birthday celebration ng isang binatilyo sa Calamba, Laguna, na naging instant family reunion na rin dahil sorpresang umuwi ang kaniyang inang overseas Filipino worker, at solo parent.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Huwebes, mapanonood ang video ni YouScooper Vanessa nang magka-“tears of joy” ang birthday boy na si Kha-El Mercado, matapos umuwi ang nanay niyang OFW na si Juvy, at may dalang cake.



