National
Ambulansiya sa Lanao del Norte, nabistong may sakay na hinihinalang smuggled na mga sigarilyo
Hindi pasyente kung hindi mga hinihinalang puslit na sigarilyo ang nakita ng mga awtoridad na sakay sa isang ambulansiya sa Kapatagan, Lanao del Norte.
By GMA News122K reads

Hindi pasyente kung hindi mga hinihinalang puslit na sigarilyo ang nakita ng mga awtoridad na sakay sa isang ambulansiya sa Kapatagan, Lanao del Norte.
Sa ulat ni James Paolo Yap sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Martes, sinabing pinara ang ambulansiya sa isang checkpoint sa Bansarvil 1 sa Kapatagan kaninang madaling-araw.
Ayon kay Police Major Joann Navarro, Spokesperson ng Police Regionak Office-10, pinahinto ng mga awtoridad sa checkpoint ang ambulansiya na walang blinder at sirena.



