National
Alex Eala, runner-up sa HK Tennis Open matapos mabigo sa world No. 102 na si Claire Liu
Bigong makuha ni Alexandra "Alex" Eala ang ikalawa niyang WTA title nang matalo kay Claire Liu, world No. 102, sa finals ng Hong Kong Tennis Open, 3-6, 0-6, nitong Linggo. Dahil dito, nagtapos siya bilang runner-up sa hu
By BEA MICALLER, GMA News113K reads

Bigong makuha ni Alexandra "Alex" Eala ang ikalawa niyang WTA title nang matalo kay Claire Liu, world No. 102, sa finals ng Hong Kong Tennis Open, 3-6, 0-6, nitong Linggo. Dahil dito, nagtapos siya bilang runner-up sa huling torneo niya ngayong season.
Dikit pa ang laban ng dalawa sa unang bahagi ng unang set hanggang sa humingi ng medical timeout si Eala sa iskor na 3-4. Matapos nito, nakuha ng American tennis player ang huling dalawang laro upang tuluyang makalamang.



