National
Alex Eala, kinapos na makausad sa finals; mag-uuwi ng bronze sa Asian Games
Nagtapos na ang kampanya ni Alexandra Eala sa 2026 Asian Games na mag-uuwi ng bronze medal nang matalo siya kay Wang Xiyu ng China, 6-3, 3-6, 2-6, sa semifinals nitong Huwebes sa Japan.
By GMA News86K reads

Nagtapos na ang kampanya ni Alexandra Eala sa 2026 Asian Games na mag-uuwi ng bronze medal nang matalo siya kay Wang Xiyu ng China, 6-3, 3-6, 2-6, sa semifinals nitong Huwebes sa Japan.
Ito ang ikatlong bronze medal ni Eala na kaniyang nakamit sa kaniyang mga paglaban sa Asian Games.
Nagwagi rin siya ng bronze sa singles event sa Hangzhou tatlong taon na ang nakalipas, gayundin ng bronze sa mixed doubles.



