National
76-anyos na babaeng tulak umano ng droga at kaniyang parokyano, huli sa Maynila
Arestado ang isang 76-anyos na babae na nagbebenta umano ng ilegal na droga, pati ang kaniya umanong parokyano sa Maynila.
By GMA News44K reads

Arestado ang isang 76-anyos na babae na nagbebenta umano ng ilegal na droga, pati ang kaniya umanong parokyano sa Maynila.
Sa ulat ni Jhomer Apresto sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabi ng pulisya na nagsumbong sa kanila ang isang confidential informant tungkol sa ginagawang pagtutulak ng senior citizen.
Kumagat sa P9,000 na boodle money ang suspek at nabilhan siya ng droga ng pulis na nagkunwaring buyer.
Matapos magpositibo sa buy-bust operation, agad siyang dinakip ng mga operatiba.



