National
70 pamilya, nawalan ng tirahan, 1 sugatan sa sunog sa QC; mga bumbero, nahirapan sa double parking
Nasa 70 pamilya ang nasunugan habang isa ang sugatan matapos sumiklab ang sunog sa Novaliches, Quezon City. Ang mga bumbero, pahirapan na mag-apula dahil sa double parking ng mga sasakyan.
By GMA News65K reads

Nasa 70 pamilya ang nasunugan habang isa ang sugatan matapos sumiklab ang sunog sa Novaliches, Quezon City. Ang mga bumbero, pahirapan na mag-apula dahil sa double parking ng mga sasakyan.
Sa ulat ni Gabriel Gonzales sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Bagong Landas De Jesus Compound sa Barangay San Agustin Biyernes ng gabi.
Umabot ang sunog sa ikatlong alarma.



