National
2 suspek sa kaso ng pagtatapon ng mga patay na hayop sa Bulacan, sumuko at idinetalye kung ano ang nangyari
Sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang responsable umano sa pagtatapon ng mga labi ng mga alagang hayop sa San Jose del Monte, Bulacan. Inilahad din nila kung paano napunta sa gilid ng daan ang mga
By JEAN MANGALUZ, GMA News126K reads

Sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang responsable umano sa pagtatapon ng mga labi ng mga alagang hayop sa San Jose del Monte, Bulacan. Inilahad din nila kung paano napunta sa gilid ng daan ang mga labi ng mga hayop na dapat sanang i-cremate.
Itinuring ni NBI Director Melvin Matibag nitong Huwebes, na “major breakthrough” ang pagsuko ng dalawa kaya binati niya ang NBI Environmental Crime Division (NBI-EnCD) sa paglutas sa kaso.



