National
2 sakay ng habal-habal, patay matapos mabangga at madaganan ng dump truck sa Negros Oriental
Nasawi ang dalawang sakay ng isang habal-habal matapos silang mabangga at madaganan ng tumagilid na dump truck sa Tanjay, Negros Oriental.
By GMA News154K reads

Nasawi ang dalawang sakay ng isang habal-habal matapos silang mabangga at madaganan ng tumagilid na dump truck sa Tanjay, Negros Oriental.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Lunes, sinabing lumabas sa imbestigasyon ng pulisya biglang nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng truck at nabangga nito ang sinusundang mini dump truck.
Sa lakas ng pagkakabangga, napabilis ang takbo ng mini dump truck at nahagip ang nakasalubong na habal-habal.



