National
1, patay sa pagsalpok ng malaking truck sa 4 na sasakyan sa Pampanga
Isa ang nasawi, at tatlo pa ang sugatan sa pagsalpok ng isang malaking truck sa apat na sasakyan sa Guagua, Pampanga.
By GMA News69K reads

Isa ang nasawi, at tatlo pa ang sugatan sa pagsalpok ng isang malaking truck sa apat na sasakyan sa Guagua, Pampanga.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Huwebes, sinabing nangyari ang insidente sa Jose Abad Santos Avenue noong Lunes.
Ayon sa pulisya, patungo sa bayan ng Lubao ang apat na sasakyan sangkot sa insidente, habang patungo naman sa San Fernando ang isa pa.
Nakahinto umano ang isang SUV at dalawang closed van para magbigay-daan sa mga lumilikong sasakyan nang biglang dumating ang isang truck na mabilis ang tankbo at binangga ang nabanggit na tatlong sasakyan.



