Welcome to 24 Questions, GMA News Online’s new series where we interview GMA News journalists and get to know who they are outside of their jobs.
By NIKA ROQUE,GMA News··19K reads
24 Questions with Emil Sumangil
Welcome to 24 Questions, GMA News Online’s new series where we interview GMA News journalists and get to know who they are outside of their jobs.
We are launching 24 Questions with Emil Sumangil, the “24 Oras” anchor who has a battery of scoops on criminal activities under his belt.
It's such a pleasant surprise to see the Kapuso Action Man actually has a light and humble presence about him. Walking into a room, he introduces himself as Kuya Emil, refusing to be called “sir.”
Saying he is used to being on the opposite side of the table, Kuya Emil was admittedly nervous before our interview. But as expected, he had a lot of stories to tell, anecdotes you cannot stop listening to.
A devout Catholic who serves as a lector in his church, Kuya Emil is a loving father to two boys with whom he still eats dinner every night after work. He loves old school music — nothing newer than tunes from the ‘90s — and spends his free time spinning records as a DJ.
Do you have a favorite book or favorite writer?
Favorite writer is Tom Clancy, wala nang iba. Si Tom Clancy ang lumikha ng series na libro ng "Clear and Present Danger" na isinapelikula ni Harrison Ford. Ito yung tungkol sa buhay ng isang CIA, Central Intelligence Agency agent, kung paano niya harapin yung kanyang tungkulin, yung politika sa Amerika, hanggang sa mailagay na sa peligro 'yung kanyang buhay at pamilya para lamang tuparin 'yung kanyang tungkulin sa kanilang bansa.
And music: Is there a piece of music or a song that you are currently listening to?
Sabihin nyo nang manong, pero talagang sumasakit ang tenga ko doon sa mga mga bagong music ngayon. Ako ay pang-50s, pang-60s, pang-70s, 80s and 90s.
Luma, old school. Hindi ako nakakasabay sa hilig ng mga kabataan — 'yung mga K-pop, yung mga P-pop, hindi ko masyado ma-appreciate.
Sa sasakyan o kapag nagsisindi ako ng stereo, ng radio, mas gusto ko sa AM. Mas doon ako sa radio program na news and commentary — pati music sa AM din.
Do you have a go-to karaoke song?
"Be My Lady," dahil mababa. Hindi ko kaya na mataas! Tsaka dito, yung mga salita at titik, 'ika nga nila. Gustong-gusto kong lumabas sa aking bibig. Kung paano sinulat ni Martin Nievera o ni Vehnee Saturno. Gustong-gusto ko 'yun, 'yung kanta na 'yun.
Do you have a secret talent or skill?
Yung mag-DJ, nagugulat sila kapag merong gathering tayo. 'Ah, nag-spin pala. Nagpapatugtog pala si Kuya Emil.' Akala nila, very serious ako sa trabaho.
And at the same time, yun ang aking ginagawa bago matulog, pag nasa bahay na. Pagkatapos ng napakabigat na trabaho sa isang araw.
What is a song that you always play as a DJ?
Hindi mawawala sa aking playlist itong "What a Wonderful World" ni Louis Armstrong. Pagka kasi pinapatugtog ko yun, parang lahat ng problema, lahat ng mga iniisip — hindi lang sa akin ha? Kundi 'yung mga iniintindi ng mga kababayan ko, pati na ng tao dito sa mundong ibabaw — naluluhusaw at nawawala. Kung ma-appreciate mo lamang kung gano'n talaga kaganda ang mundong nilikha ng Diyos Ama.
You have a record collection. What is your prized item and why?
Clair Marlo. Ang sabi nila, kaya daw 'yun napakamahal, 'yung recording kasi masyadong intricate.
Maselan ang pagkakalapat lapat ng instrumento, pati na yung vocals ni Clair Marlo. Meron din akong collection ng Beatles tsaka nitong mga artist gaya nina Nat King Cole, Frank Sinatra, tsaka 'yung iba pang mga rare orchestra vinyl collection. 'Yun 'yung binabangit nilang mahal kasi hindi na makakabili ngayon.
Tapos ang klase ng recording nito, hindi parang 'yung maririnig mo sa Spotify o sa any other MP4 application na nag-su-supply ng ganyang klase ng music dahil kumpletong-kumpleto pa 'yung instrumento.
Are you Team Sinigang or Team Adobo for the National Dish of the Philippines?
Sinigang because I love soup.
If you win the lottery how would you spend the money?
Gusto ko sanang puntahan 'yung mga simbahan na mayroong bulok na sound system.
Para sa akin, kaya hindi nagiging solid ang taong bayan sa kanilang pagsamba, dahil hindi nila naiintindihan 'yung itinuturo ng pari, una sa sermon pati ng ibanghelyo dahil sa bulok na sound system.
Gusto kong puntahan 'yung mga simbahan na mayroong puro sound system at 'yung loto na yan, pero 'yung malaking chunk niyan gusto kong dun dalhin para mag-sponsor ng sound system at sa ganung paraan, para sa akin, number one, 'yung tinig ng pari at ng kongregasyon, ng choir, etc., ng lektor, 'yun ang dapat naririnig ng nagsisimba. Kailangan malinaw ang sound system.
PHOTO: JESSICA BARTOLOME/GMA NEWS
You are a lector in your church. Do you have a favorite Bible verse?
Ephesians 6, 12-18. “Put on the full armor of God so that you can stand the devil's schemes.” That's my favorite Bible verse. I try to live it every day.
Do you have a motto or mantra?
Motto? I will go back to the Bible verse. The armor of God. Put on the full armor of God so you can stand against the devil's schemes.
Do you have a favorite country?
My favorite country so far is Japan. I have seen the respect of the people for each other there. For me, humanity is very important. That's what we need right now. Respect for each other.
Do you have a dream destination?
My dream destination is Holy Land: Jerusalem, Bethlehem, Israel. I would like to walk the path of Jesus Christ, of the Blessed Virgin Mary, and the other places we read in the Bible. I would like to visit the places where He was baptized, how He saved us, etc.
You have two boys. How do you hope to shape them into the men they become?
Ang hirap magpalaki ng anak ngayon. Iba 'yung klase ng takbo ng ulo ng mga bata ngayon kumpara sa kung paano ako pinalaki.
Pero sa kahit papaano, unti-unti, sa pamamagitan ng conversation, tinuturing ko silang barkada, hindi bilang anak.
Nakapag-open up, though hindi lahat nila-lahat sa iyo, nakukuha ko at naiintindihan yung klase ng takbo ng ulo nila at yung kanilang mga pangangailangan.
Unang-una sa pamilya ko, gawin ko yung duty ko na unti-unti sa kanilang paglaki, mamuhay sila na mayroong pananalig sa Diyos at kilala nila ang Diyos. So far, hindi pa ako nabibigo at nagiging successful na ipasok ko sila sa pagsisilbi ng Simbahang Katolika.
They're both members of the church community at nagsaserve ng kanika niya. Sa akin, magalaking bagay na yun. Nagagawa ko na, 'yung first part ng aking tungkulin bilang isang ama.
What was your childhood dream?
Wala na po akong ibang pinangarap kundi ang magiging isang mamamahayag.
Hindi po ako sumama sa aming family business. Hindi rin po ako nag-assume na magnegosyo, magiging linyero, magiging doktor, o mag-abroad. Ito na po 'yung gusto kong tahakin ang maging isang reporter.
PHOTO: JESSICA BARTOLOME/GMA NEWS
Do you have a story that made you realize journalism is your calling?
I believe 'yung People Power Revolution. May isip na kasi ako noon, 1986. Nakita ko kung paano magpalit 'yung gobyerno, 'yung liderato. Nakita ko kung paano naging fulfilled ang ilan sa ating mga kababayan. Nakita ko rin kung paano naging malungkot ang ating mga kababayan nang magpalit ang gobyerno.
Meron ba talaga itong naitulong? Ano yung pros? Ano yung cons? 'Yun 'yung isa sa mga nagtulak sa akin: Magiging mamamahayag ako para maintindihan ko ito nang lubos.
What skill or lesson did you learn from being a journalist?
To verify, to verify, to verify, to verify the information facts na aking tatanggap.
Hindi kailangan maging mabilis — that will come later on. Mas mahalaga 'yung matiyak natin na ang balita ay sure.
'Yun ang kailangang kailangan. 'Yun ang isang skill na para sa akin nahasa ko mula nang pumasok ako sa broadcast.
How do you deal with writer's block?
Kapag nahirapan akong magsulat, lalo na kapag ang paksa o story ay masalimoot, uupo ako sa isang tabi, mag-iisip, mag-o-offer ng panalangin. Titiyakin ko sa aking sarili na walang dilit ibang pupuntahan ang istorya na ito kundi ang kapakanan ng taong bayan.
What is your greatest achievement as a journalist?
Ang greatest achievement ko — una, 'yung makatanggap ng sangkatutak ng mga mensahe mula sa ating mga kababayan.
Tawagin ako in a public place hindi para magpa-picture, ikalawa na lang 'yun. Para ikaw eh sadyain at [tanungin sa kung] anong problema. Anong dapat nilang gawin dito? Anong maipapayo ko? Paano ko sila matutulungan? 'Yung public service, 'yan kasi 'yung pagiging isang media practitioner.
'Yan marahil 'yung isa sa mga achievement ko. At syempre, 'yung biyaya ng Diyos at ng mga kasama ko dito, ng may-ari ng kumpanya, pati ng aking mga boss dito sa news organization, 'yung ipagkatiwala sa akin ang primetime news, na maging bahagi rin ako ng mga public service program na "Resibo," radio program, etc.
What worries you?
Family. 'Yung mapahamak at madamay sila sa threats na inaabot ko. 'Yung maparewara sila dahil hindi ko masyado nababantayan. 'Yung ma-impluwensiyahan sila nang hindi maganda, lalo ngayon sa teknolohiya.
Living or dead who is your dream interviewee?
Si Pope Francis sana. Gustong-gusto ko siya ma-interview noon, pero hindi ako nabigyan ng chance.
Bakit siya? 'Yung kanyang klase ng buhay, sumasalamin mismo sa klase ng pamumuhay ni St. Francis na aking patron saint. Paano niya pinagbuklod ang mayaman at mahirap? Paano niya tinanggap at pinatuloy sa simbahan? At sa ating pananampalataya, ang mga walang-wala, 'ika nga 'yung mga nasa laylayan.
Paano ito binibigyang-halaga sa lipunan ngayon na nag-uuna ka na pa'y taas at sa ibaba, na iiwan ang may hirap sa inyo?
Do you have a dream story that you want to pursue?
A dream story that I want to pursue? I would like to go to the Holy Land. I would like to comment on this in a deeper, more understandable way to our countrymen. What is the importance, and why should we prioritize over anything and anyone else the enrichment of faith, that it will be our anchor, not only the salvation, but also the comfort. Salvation from the sin of temptation while we are here in this world.
Who among your colleagues would you want to be for a day and why?
Gusto ko sanang maging Mike Enriquez kahit isang araw. Gustong gusto ko kasing mag-radyo. Mag radio program na straight newscast. Gusto ko sanang may komentaryo at gusto ko kung paano siya naging piloto para sa loob ng dalawa o tatlong oras, kontrolin niya yung airwaves.
Puro dakdak lang, hindi natutuyuan ang sasabihin. 'Yun 'yung isa na gusto kong magiging kung mabibigyan ng pa ng chance bago ko mag-retire.
How do you banlaw from work?
How do I banlaw from work? First of all, prayers. When I'm in the car, it's a prayer when I go out of the gate until we get home.
Most of all, I can talk to my family because they are waiting for me for dinner. They don't eat first. We still eat together as a family.
You can talk to them, you can ask how they are, you can ask them what's the best thing that happened in your life for this day, what can help each of us. I don't ask for anything else to end my day and get rid of my stress. That's how it is.
For our final question how would you like to be remembered?
Na merong isang media practitioner na tumutugon sa pangalang Emil Sumangil na nakapahatid nang dalisay na serbisyo publiko. Na hindi ginamit ang oportunidad o ang break na ito para sa pansariling interes, kundi para sa bayan, para sa Diyos Ama. — LA GMA News