Entertainment
Zoren Legaspi, ibinahagi ang nangyari sa family gathering nila sa bahay ni Dani Barretto na kaniyang pamangkin
Nagkuwento si Zoren Legaspi tungkol sa ginanap nilang family gathering kamakailan sa bahay ng kaniyang pamangkin na si Dani Barretto, na anak ng kaniyang kapatid na si Kier Legaspi.
By GMA News146K reads

Nagkuwento si Zoren Legaspi tungkol sa ginanap nilang family gathering kamakailan sa bahay ng kaniyang pamangkin na si Dani Barretto, na anak ng kaniyang kapatid na si Kier Legaspi.
Sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Miyerkules, inilahad ni Zoren na matagal nang iniimbitahan ni Dani ang kanilang pamilya sa bahay nito ngunit hindi natutuloy.
"Matagal na kaming iniimbitahan ni Dani sa place niya. And for some reason, nane-neglect ko ‘yung invitation na iyon. It’s really my fault," sabi ni Zoren.



