Entertainment
Will Ashley, kabilang sa mga nagwagi sa Gawad Urian 2026
Kabilang ang Sparkle artist na si Will Ashley sa mga nakatanggap ng parangal sa ika-49 na edisyon ng prestihiyosong Gawad Urian Awards nitong Huwebes.
By GMA News84K reads

Kabilang ang Sparkle artist na si Will Ashley sa mga nakatanggap ng parangal sa ika-49 na edisyon ng prestihiyosong Gawad Urian Awards nitong Huwebes.
Ginanap ang seremonya sa Teresa Yuchengco Auditorium sa De La Salle University-Manila.
Wagi ang "Bloom Where You Are Planted" ng inaasam na Best Picture award, pati na rin ng tatlo pang karangalan: Best Direction (Noni Abao), Best Documentary, at Best Editing.
Samantala, panalo ang Sparkle artist na si Will Ashley bilang Best Supporting Actor para sa pagganap niya bilang si Arvin Asuncion sa "Bar Boys: After School."



