Entertainment
WATCH: 'Ikaw Lang' parody ni Michael V. na 'Eh Kulang,' may kurot sa hirap ng buhay at pitik sa pulitika
Gaya ng inaasahan, hindi lang pang entertainment kung hindi makabuluhan at may mensahe rin ang bagong parody song ni Michael V na “Eh Kulang,” na mula sa hit song na “Ikaw Lang”
By GMA News43K reads

Gaya ng inaasahan, hindi lang pang entertainment kung hindi makabuluhan at may mensahe rin ang bagong parody song ni Michael V na “Eh Kulang,” na mula sa hit song na “Ikaw Lang”
Gamit ang himig ng hit song ng Nobita na “Ikaw Lang,” tinalakay ng parody version nito na “Eh Kulang” ng parody band na "NoKita" ni Michael V o Bitoy, ang usapin ng mataas na presyo ng gasolina, habang halos hindi naman gumagalaw ang sahod ng mga manggagawa.



