Entertainment
Vince Maristela magiging co-host ni Vice Ganda sa 'Gandang Gabi Vice'
Magiging co-host ni Vice Ganda ang Sparkle artist na si Vince Maristela sa “Gandang Gabi Vice."
By GMA News116K reads

Magiging co-host ni Vice Ganda ang Sparkle artist na si Vince Maristela sa “Gandang Gabi Vice."
Sa Instagram, nagbahagi ang Sparkle GMA Artist Center ng clip ng episode nitong Biyernes ng “It’s Showtime,” kung saan inanunsyo ni Vice na magiging bahagi si Vince ng show.
“Abangan niyo si Vince Maristela kasi kasama namin siya sa ‘Gandang Gabi Vice,’” sabi ni Vice. “Meron akong ii-introduce doon na grupo. Kasama siya.”



