Entertainment
TNVS driver, naghintay upang maibalik kay Epy Quizon ang naiwang cellphone ng aktor sa sasakyan
Pinuri at pinasalamatan ni Epy Quizon ang TNVS driver na naghintay sa kaniya upang maisauli ang cellphone na kaniyang naiwan sa sasakyan.
By GMA News166K reads

Pinuri at pinasalamatan ni Epy Quizon ang TNVS driver na naghintay sa kaniya upang maisauli ang cellphone na kaniyang naiwan sa sasakyan.
Sa Instagram post nitong Biyernes, ibinahagi ng aktor ang kuwento sa insidente, kasama ang larawan nilang dalawa ng driver na si Jhun Diaz.
"I accidentally left my phone in his car. I had no way to contact him, and he had no way to contact me. Instead of simply leaving, he stayed near the area where he had dropped me off, hoping I’d realize my phone was missing," kuwento ni Epy.



