Entertainment
TJ Monterde, walang plano na i-record noon ang hit song niyang 'Palagi' na alay niya kay KZ Tandingan
Ibinahagi ng OPM artist na si TJ Monterde na wala talaga siyang balak noon na i-record ang hit song niya na “Palagi,” dahil personal na awitin niya ito na alay niya sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng relasyon nila n
By JAMIL SANTOS,GMA News105K reads

Ibinahagi ng OPM artist na si TJ Monterde na wala talaga siyang balak noon na i-record ang hit song niya na “Palagi,” dahil personal na awitin niya ito na alay niya sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng relasyon nila ni KZ Tandingan.
“Noong una, hindi siya intentional to be recorded pa. Kasi it was just a celebration for a celebration. Milestone namin ni KZ. Ten years simula nu’ng nakilala ko siya,” pagbabahagi ni TJ sa guesting niya kamakailan sa “I-Listen with Kara David.”



